Nag-usap sa telepono madaling araw ng Oktubre 26, 2021 sina Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, at Janet Yellen, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika.
Nagkaroon sila ng pragmatiko, matapat at konstruktibong pagpapalitan tungkol sa kalagayan ng makro-ekonomy at kanilang kooperasyon sa bilateral at multilateral na larangan.
Ipinalalagay ng kapwa panig na nasa masusing panahon ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, kaya napakahalaga ng pagpapalakas ng pagkokoordinahang Sino-Amerikano.
Sinang-ayunan din ng kapwa panig na ipagpatuloy ang kanilang pagkokoordinahan.
Salin: Lito
Pulido: Mac