Uniporme para sa 2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games, isinapubliko

2021-10-28 17:01:24  CMG
Share with:

Kasabay ng pagsisimula ng 100 araw na countdown tungo sa pagdaraos ng 2022 Beijing Winter Olympic Games at Paralympic Games, isinapubliko Oktubre 27, 2021, ang opisyal na uniporme para sa mga tauhan, boluntaryo at manggagawang teknikal ng naturang mga Olimpiyada.

Uniporme para sa 2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games, isinapubliko_fororder_01olympic

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhang Jiandong, Bise Mayor ng Beijing at Pangalawang Ehekutibong Presidente ng Beijing Organizing Committee for the 2022 Olympic and Paralympic Winter Games, na ang uniporme ay angkop sa iba’t-ibang situwasyon at gawain kaugnay ng mga Olimpiyada.

Uniporme para sa 2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games, isinapubliko_fororder_0102

Aniya, inilakip sa uniporme ang estilo ng tradisyonal na kulturang Tsino, at alinsunod din ito sa modernong larangan ng siyensiya at sustenableng pag-unlad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method