Pagpapasulong ng paglahok ng Taiwan sa UN, makakasira sa kapayapaan at katatagan sa Taiwan Straits

2021-10-30 16:57:32  CMG
Share with:

Sa panayam kahapon, Oktubre 29, 2021, sa Rome, Italya, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagpapasulong ng Amerika at iilan pang bansa ng umano'y "masigla at makabuluhang paglahok ng Taiwan sa sistema ng United Nations at komunidad ng daigdig" ay lumalabag sa prinsipyong Isang Tsina sa daigdig, ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay siyang tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan ng Tsina, at ang Taiwan ay bahagi ng teritoryo ng Tsina.

 

Dagdag ni Wang, ang naturang aksyon ay salungat sa Resolution 2758 ng United Nations General Assembly, at makakasira rin ito sa kapayapaan at katatagan sa Taiwan Straits.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method