Binuksan Oktubre 31, 2021, sa lunsod ng Glasgow, United Kingdom, ang Ika-26 na Komperensya ng mga Panig ng United Nations sa Pagbabago ng Klima (COP26), kauna-unahang komperensya sapul nang pumasok ang Paris Agreement sa yugto ng pag-iimplementa.
Sa seremonya ng pagbubukas, nagtalumpati si Carolina Schmidt, Tagapangulo ng COP25 at Ministro ng Kapaligiran ng Chile.
Opisyal din niyang inilipat ang tungkulin ng tagapangulo kay Alok Sharma, Tagapangulo ng COP26.
Tatagal hanggang Nobyembre 12, 2021 ang COP26.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio