5 patay sa pag-atake ng ospital ng Kabul

2021-11-03 16:38:11  CMG
Share with:

Ipinahayag Nobyembre 2, 2021, ni Zabihullah Mujahid, Tagapagsalita ng Taliban, na nasawi ang 5 miyembro ng ekstrimismong organisasyon na umatake sa ospital na militar sa Kabul, Afghanistan.

 

Ani Mujahid, walang naiulat na kasuwalti sa loob ng ospital, pero sa labas ng osptial, 7 katao ang nasawi at 5 iba pa ang nasugatan, na kinabibilangan ng kababaihan at bata.

 

Nauna rito, iniulat ng Tolo TV ng Afghanistan na sa pagsabog at pamamaril na naganap nitong Nobyembre 2, sa Kabul, 15 ang namatay at 34 ay nasugatan.

5 patay sa pag-atake ng ospital ng Kabul_fororder_01kabul

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method