Kilalanin si Xi Jinping: Tagapagtaguyod sa dibersidad ng kultura

2021-11-05 14:35:31  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pagdalaw sa Peru noong 2016, bumisita si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang eksibisyon sa Lima, kabisera ng bansang ito, kung saan itinanghal ang mga artepaktong kultural ng Tsina.

 

Ayon kay Ivan Solis, isang direktor ng museo na kasama sa naturang aktibidad, binigyang-diin ni Pangulong Xi ang pangangalaga sa dibersidad ng kultura.

 

Sinabi ni Solis, na sa panahon ng pagbisita at sa talumpati naman pagkaraan nito, binanggit ni Pangulong Xi, hindi lamang ang pagpapalakas ng pagpapalitang kultural sa pagitan ng Tsina at mga bansang Latino-Amerikano, kundi ang mga detalye rin ng mga artepaktong kultural ng Tsina at Peru.

 

Ipinalalagay niyang, ang mga ito ay aktuwal na aksyon ng pagtataguyod sa pagkakaiba ng mga kultura.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

 

Please select the login method