Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Nobyembre 4, 2021, 78 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 10 ay galing sa labas ng bansa at 68 ay domestikong kaso.
Bukod dito, 1 ang pinaghihinalaang kaso ng COVID-19, sa Shanghai.
Samantala, batay pa sa datos, 1,129 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Mac