Ayon sa ulat kahapon, Nobyembre 5, 2021, ng China Manned Space Agency, sa loob ng darating na ilang araw, ang tatlong astronaut ng Shenzhou-13 na kasalukuyang nasa loob ng core module Tianhe ng China Space Station ay magsasagawa ng kanilang unang extravehicular activity.
Pagkaraang dumating ng space station noong Oktubre 16, 21-araw nang nananatili sa kalawakan ang naturang tatlong astronaut.
Sa panahong iyon, isinagawa nila ang ilang pang-araw-araw na tungkulin, na gaya ng paglilipat ng mga pakete, pagsubok ng mga bagong spacesuit, pisikal na pagsusuri, at eksperimentong pansiyensiya.
Ginawa rin nila ang pagsasanay para sa pangkagipitang paglikas sa orbita, pagpapatakbo ng robotic arm, at pagliligtas na medikal.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos