Bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Rwanda

2021-11-08 16:50:25  CMG
Share with:

Dumating Nobyembre 7, 2021, sa Kigali, kabisera ng Rwanda, ang ikalawang batch na binubuo ng 300 libong bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Tsina.

 

Sa seremonya ng pagtanggap sa paliparan, pinasalamatan at pinapurihan ni Albert Tuyishime, Puno ng Departamento ng Pagpigil at Pagkontrol sa Sakit ng Biomedikal na Sentro ng Rwanda, ang suporta at tulong na ipinagkaloob ng Tsina sapul nang lumitaw ang pandemiya ng COVID-19 sa bansa.

 

Aniya, nagbigay ang Tsina ng mahalgang ambag para sa pantay-pantay na pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19 sa buong daigdig, na lubos na nagpapakita ng responsibilidad ng Tsina bilang malaking bansa.

 

Samantala, ipinahayag ni Wang Jiaxin, Konsehal ng Ekonomiya at Komersyo ng Embahadang Tsino sa Rwanda, na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Rwanda, para samantalahin ang pagkakataon ng Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng dalawang bansa, at pagdaraos ng bagong round na Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika, upang lalo pang pasulungin ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig.

Bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Rwanda_fororder_02rwanda

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method