Ayon sa pinakahuling datos ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang alas 8:21 Eastern Standard Time ng Amerika kahapon, Nobyembre 8, 2021, lumampas na sa 250 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmado kaso ng Coronavirus Disease 2019 COVID-19 sa buong mundo.
Samantala, mahigit 5 milyon ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Pinakamalaki sa buong daigdig ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso at pumanaw sa Amerika.
Salin: Vera
Pulido: Mac