Tsina: Pagsasarili ng Taiwan, walang patutunguhan

2021-11-09 11:40:45  CMG
Share with:

Binabalaan ng Tsina ang awtoridad ng Taiwan na ang di-umano’y pagsasarili ng Taiwan ay landas na walang patutunguhan at ang “dollar diplomacy” ay walang mararating, kaugnay ng pananalita ng huli hinggil sa nalalapit na halalang pampanguluhan ng Honduras.

 

“Iisa lamang ang Tsina sa daigdig at ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi ng bansa,” mariing pag-ulit ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, Lunes, Nobyembre 8, 2021.  

 

Tsina: Pagsasarili ng Taiwan, walang patutunguhan_fororder_Wang Wenbin

Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina

 

“Ang prinsipyong isang-Tsina ay panlahat na kinikilalang norma ng relasyong pandaigdig at pinagkasunduan ng komunidad ng daigdig,” dagdag pa ng tagapagsalitang Tsino.

 

Ayon sa ulat ng media, nitong nagdaang Setyembre 6, sinabi ni  Xiomara Castro, kandidato sa pagkapangulo ng Liberty and Refoundation Party ng Honduras, na kung mananalo sa gaganaping halalan ngayong Nobyembre, magbubukas siya ng relasyong diplomatiko sa Tsina. Bilang tugon, inilabas ng awtoridad ng Taiwan ang pahayag na nagbababala sa Honduras hinggil sa "marangya’t huwad" na pangako mula sa mainland para makapinsala sa relasyon ng Taiwan at mga “kaalyado” nito.

 

“Tiyak na mabibigo ang anumang tangka para ibaligtad ang tunguhing pangkasaysayan sa pamamagitan ng panunulsol sa suportang dayuhan,” babala ni Wang sa awtoridad ng Taiwan.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method