Pangulong Tsino: Ang relasyong Sino-Amerikano ay nasa masusing yugtong pangkasaysayan

2021-11-10 17:09:06  CMG
Share with:

Idinaos Nobyembre 9, 2021, sa New York, ang 2021 Gala Dinner ng Pambansang Komite sa Relasyon ng Tsina at Amerika (National Committee on United States-China Relations, NCUSCR).

 

Ipinadala ang mensaheng pambati sa naturang gala nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika. Binasa ni Qin Gang, Embahador ng Tsina sa Amerika, ang mensahe ni Pangulong Xi. Samantala, binasa naman ni Jacob Lew, Tagapangulo ng komite ang mensahe ni Biden.

 

Sa mensahe, tinukoy ni Pangulong Xi na ang relasyong Sino-Amerikano ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig. Sa kasalukuyan, ang relasyong Sino-Amerikano ay nasa mahalagang yugtong pangkasaysayan, at ang kooperasyon ng dalawang panig ay tanging tumpak na pagpili.

 

Binigyan-diin ni Xi na batay sa prinsipyo ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pamumuhay, kooperasyon at mutuwal na kapakinabangan, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Amerika sa iba’t ibang larangan. Kasabay nito maayos na hawakan ang pagkakaiba, para pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad.

 

Samantala ipinahayag ni Biden sa mensahe na sa kasalukuyan, ang daigdig ay nasa turning point ng kasaysayan at ang relasyong Sino-Amerikano ay mahalaga para sa daigdig. Kailangang magkaisa ang komunidad ng dagidig para itatag ang ligtas, mapayapa at masiglang kinabukasan.

 

Bukod dito, sa kanyang talumpati sa Gala Dinner, ipinahayag din ni Qin Gang na ang mensaheng pambati ay lubos na nagpakita ng positibong pakikitungo at prinsipyo ng Tsina sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Amerikano. Inaasahan ng Tsina na magsikap, kasama ng pamahalaang Amerikano at mga talento ng iba’t ibang sirkulo, ayon sa diwa ng pag-uusap ng mga lider ng Tsina at Amerika, para pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method