Sa katatapos na Ika-4 na China International Import Expo (CIIE), $USD 70.72 bilyong intended deal ang narating ng mga kasaling kompanya, at magkakasunod na inihayag ng maraming eksibitor ang kani-kanilang kagustuhan na sumali sa susunod na taon.
Sa Ika-4 na Pulong na Ministeriyal ng World Trade Organization (WTO) na idinaos sa Doha, Qatar noong Nobyembre 10, 2001, pinagtibay ang dokumentong pambatas tungkol sa pagsapi ng Tsina sa organisasyong ito, at ngayong taon ang ika-20 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa WTO.
Ang CIIE ay nagsisilbing mahalagang bintana ng pagdidispley ng mga benepisyong inihatid ng Tsina sa daigdig nitong nakalipas na 20 taon.
Kabilang sa mahigit 200 intensyon ng kooperasyon na narating ng mahigit 1,000 kompanyang Tsino’t dayuhan, marami ang nilagdaang order ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Bukod dito, kasali rin ang halos 90 kompanya mula sa 33 pinaka-di-maunlad na bansa.
Samantala, umabot naman sa humigit-kumulang 200 ang kabuuang bilang ng mga lumahok ma kompanyang Amerikano, na muling naging rekord sa kasaysayan.
Ipinakikita nitong para sa sa mga transnasyonal na kompanya, kaakit-akit ang merkadong Tsino.
Sa kalagayan ng pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nahaharap sa negatibong epekto ang kabuhaya’t kalakalang pandaigdig, at naging pangkagipitan ang paghahanap ng makina ng pagbangon.
Salamat sa pagdaraos ng kasalukuyang CIIE, nahanap ng mga transnasyonal na kompanya ang ganitong makina.
Ang napakalaking merkado ng Tsina, malaking pangangailangang dulot ng pagbangon ng kabuhayan, at pagtungo nito sa de-kalidad na pag-unlad ay hindi lamang nakalikha ng maraming order sa daigdig, kundi nakapagpasigla rin ng lakas-panulak para sa paglaban ng iba’t-ibang bansa sa pandemiya.
Ang walang humpay na pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa mataas na antas ay maaasahang magbubunsod ng mas maraming pagkakataon para sa mga kompanya sa buong mundo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio