Isang resolusyong may kinalaman sa mahahalagang tagumpay at karanasang historikal ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pinagtibay Huwebes, Nobyembre 11, 2021 sa Ika-6 na Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC.
Mula Nobyembre 8 hanggang Nobyembre 11, ginanap sa Beijing ang naturang sesyong plenaryo.
Bumigkas ng mahalagang talumpati sa sesyon si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.
Pinakinggan at tinalakay sa pulong ang work report na ginawa ni Xi, sa ngalan ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, at ipinagliwanag niya sa sesyon ang panukalang resolusyon.
Sinuri at pinagtibay rin sa sesyon ang resolusyon hinggil sa pagdaraos ng ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC sa Beijing sa huling hati ng taong 2022.
Salin: Vera