Siya ay si Li Juan, isinilang sa isang bayang tahanan ng Lahing Dong, isang etnikong minorya ng Tsina, sa timog kanluran ng bansa.
Makaraang magtapos sa pamantasan mula sa malaking lunsod, bumalik siya sa lupang-tinubuan, at naging tagapatnubay sa isang lokal na museong nagtatampok sa katutubong kultura ng Lahing Dong.
Ipinagmamalaki niya ang trabahong ito, dahil ito aniya ay mabuting pagkakataon para ipakilala sa mga tao ang kanyang etniko at lupang-tinubuan.
Bukod sa museo, laging inihahandog ni Li sa mga bisita ang pamamasyal sa kanyang bayan.
Aniya, ang bayan ay mas malaki at mas buhay na museo.
Pagkaraang makita ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga lokal na residente, pagbuburda at pagkanta, mas mabuti kung makikilala ng mga bisita ang Lahing Dong at kanilang lugar.
Madalas na nakasuot ng mga katutubong damit at palamuti ng Lahing Dong si Li.
Aniya, ang mga gawang-kamay na ito ay pinakamabuting halimbawa ng makukulay na kultura ng kanyang etnikong lahi.
Ipino-promote din niya ang mga damit at palamuti sa mga online na mamimili, para kagiliwan ng mas maraming tao ang katalinuhan, kasipagan, at kagandahang-loob ng etnikong Dong.
Ayon pa kay Li, may kaugalian ang Lahing Dong, na habang ikinakasal ang babae, nakasuot siya ng damit na gawa ng sariling ina.
Kahit isang taong gulang pa lamang ang kanyang anak, sinimulan na ni Li ang paggawa ng damit pangkasal para sa kanya.
Si Li ay isa ring boluntaryong guro sa lokal na paaralan.
Siya ay nagtuturo ng katutubong pagpipinta ng Lahing Dong, pintang ginuhit sa loob ng bilog na pandakot.
Tuwang-tuwa siya, habang nakikitang nagugustuhan ng mga bata ang sining na ito, at ginagawa ang sariling mga pinta.
Sinabi ni Li, na nitong ilang taong nakalipas, sa pag-enkorahe ng pamahalaan, parami nang paraming batang henerasyon ang lumalahok sa usapin ng pangangalaga at pagpapaunlad ng kultura ng mga etnikong minorya.
Aniya, patuloy din siyang magsisikap, kasama ng mga taong may parehong kalooban, para ipagpatuloy ang kultura ng Lahing Dong.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Narrator: Sarah Tian