Binuksan Lunes, Nobyembre 15, 2021 para sa negosyo ang Beijing Stock Exchange (BSE), panibagong bourse bilang pangunahing base ng innovative small and medium-sized enterprises (SMEs) ng Tsina.
Samantala, nagkabisa simula Lunes ang 6 na alituntuning pangnegosyo sa pagkumpleto ng securities transactions na inisyu ng BSE noong nagdaang 3 araw.
Kabilang dito ay mga alituntunin para sa qualified foreign institutional investors (QFII) at RMB qualified foreign institutional investors (RQFII).
Salin: Vera