Porum ng Pag-unlad ng Xinjiang, binuksan

2021-11-16 10:40:38  CMG
Share with:

Binuksan sa Beijing nitong Lunes, Nobyembre 15, 2021 ang Porum ng Pag-unlad ng Xinjiang ng Tsina.

Porum ng Pag-unlad ng Xinjiang, binuksan_fororder_20211116Xinjiang1600

Kaugnay ng temang “Magkakasamang Pagtatayo ng Belt and Road at Pag-unlad ng Xinjiang,” magkakasunod na iniharap ng mga kalahok ang kanilang mungkahi upang makapagbigay ng katalinuhan at puwersa sa pagpapasulong ng inisyatiba ng Belt and Road.

Natatagpuan ang Xinjiang sa sentro ng Eurasia na nagpapatingkad sa mahalagang papel ng pagpapalitan at pagpapalagayan ng kultura sa pagitan ng silangan at kanluran sa kasaysayan.

Sa ngayo’y nagsisilbing mahalagang tsanel ang Xinjiang para sa pagpapalitan at pagpapalagayan ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at ito rin ay mahalagang parte ng pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina sa labas. 

Porum ng Pag-unlad ng Xinjiang, binuksan_fororder_20211116Xinjiang2600

Ayon sa estadistika, noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumampas sa 56.6 na bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Xinjiang sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road na katumbas ng 86% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Xinjiang. Ito ay mas malaki ng 23.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method