Tutol pagbatikos sa kalayaang panrelihiyon ng Tsina: Ministring Panlabas

2021-11-19 16:43:22  CMG
Share with:

Ipinalabas kamakalawa ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika ang listahan ng mga bansang bibigyan ng partikular na pansin kaugnay ng paglabag sa kalayaang panrelihiyon. Kasama rito ang Rusya, Tsina at walong iba pang bansa.  Bilang tugon, ipinahayag kahapon ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang walang katuwirang pagbatikos ng panig Amerikano sa isyu ng kalayaang panrelihiyon.
 

Sinabi ni Zhao na pinangangalagaan ng pamahalaang Tsino ang kalayaang panrelihiyon ng mga mamamayang Tsino alinsunod ng batas. Ang Tsina ay may halos 200 milyong mananampalataya ng iba’t ibang relihiyon, mahigit 380 libong kleriko, halos 5500 grupong panrelihiyon at 140 libong lugar ng pagsamba. Lubos ang kalayaan ng mga mamamayang Tsino na isagawa ang kanilang gawaing panrelihiyon.
 

Dapat ayusin ng Amerika ang sariling problemang panloob, igalang ang katotohanan, alisin ang bias at itigil ang pakikialam sa ibang bansa gamit ang dahilang panrelihiyon.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method