4k documentary tampok ang lutuing Macao, ini-ere ng CMG

2021-11-25 16:57:49  CMG
Share with:

Idinaos Nobyembre 24, 2021, sa lunsod Guangzhou sa dakong timog ng Tsina, ang seremoniya ng pagsasahimpapawid ng “Crunch and Munch in Macao.” Isa itong 4k documentary na magkasamang prinodyus ng China Media Group (CMG) at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR), bilang paggunita sa ika-22 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inang bayan.

4k documentary tampok ang lutuing Macao, ini-ere ng CMG_fororder_01macao

Sa kanyang talumpati sa seremoniya, binigyan-diin ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG na ang “Crunch and Munch in Macao” ay isa pang mahalagang bunga ng mas malawak na kooperasyon ng CMG at Macao SAR, at aktuwal na aksyon ng mga media sa pagsasagawa ng patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”

4k documentary tampok ang lutuing Macao, ini-ere ng CMG_fororder_0102shenhaixiong

Samantala, tinukoy din sa talumpati ni Ho Lat-seng, Chief Executive ng Macao SAR, na umaasa siyang sa pamamagitan ng plataporma ng CMG, maaaring maibahagi ang mas maraming kuwento ng Macao sa iba’t ibang lugar ng buong daigdig.

4k documentary tampok ang lutuing Macao, ini-ere ng CMG_fororder_0103he

Ang “Crunch and Munch in Macao” ay nagbahagi ng kwento ng proseso ng pag-unlad ng kultura ng mga taga-Macao sa pagluluto at mga kwento sa likod nito. Sa tunay at natural na paraan, lubos na ipinakita ang kahanga-hangang bunga na natamo ng Macao SAR sa pagpapabuti ng pamumuhay, matatag at may harmoniyang lipunan, integrasyon ng iba’t ibang kultura at iba pang larangan, sapul nang bumalik ang Macao sa inang bayan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method