Porum na Pangkooperasyon ng Mediang Sino-Aprikano, idinaos

2021-11-28 11:06:12  CMG
Share with:

Porum na Pangkooperasyon ng Mediang Sino-Aprikano, idinaos_fororder_20211128Aprika600

Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Biyernes, Nobyembre 26, 2021 ang Porum na Pangkooperasyon ng Mediang Sino-Aprikano.

Dumalo at bumigkas ng talumpati sa porum si Huang Kunming, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministro ng Publisidad ng bansa.

Sinabi ni Huang na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang pagpapalagayan ng mediang Sino-Aprikano. Iginigiit aniya ng kapwa panig ang obdiyektibo at pantay na atityud upang magkakasamang mapalaganap ang makatuwirang tinig.

Aniya pa, sa hinaharap, igigiit ng Tsina ang pagtahak ng landas ng mapayapang pag-unlad, reporma, at multilateralismo, at papalakasin ang pandaigdigang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga larangang gaya ng media, think tank, at kultura upang maitatag kasama ng mga kaibigang Aprikano ang mas magandang daigdig.

Itinaguyod ng China Media Group ang nasabing porum na dinaluhan ng halos isang daang panauhin mula sa mahigit 40 bansa't rehiyon.


Salin: Lito

Please select the login method