CGTN inilunsad ang China-Latin America Media Action project

2021-12-03 16:48:05  CMG
Share with:

Magkakasamang inilunsad kahapon ng China Global Television Network (CGTN) at mga media ng Latin Amerika ang China-Latin America Media Action project para mapalalim ang kooperasyon, matipon ang lakas at mapahigpit ang komong palagay.
 

Mahigit 30 organisasyon ng media mula sa Latin Amerika ang kalahok sa proyektong ito na kinabibilangan ng online forum, co-production, mga palabas at talk shows.
 

CGTN inilunsad ang China-Latin America Media Action project_fororder_6b5070e029eb46eab2ab49948d74e058

Sa pamamagitan ng video link, bumigkas ng talumpati si Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) sa seremonya ng paglulumsad, sinabi niya na ang pagpapalitan ng mga media ng Tsina at Latin Amerika ay isang importanteng bahagi ng relasyon ng magkabilang panig at nagpapatingkad ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at bansang Latin Amerika.
 

Batay sa diwang ito, nitong ilang taong nakalipas, aktibong napapasulong ng CMG ang komunikasyon ng mga media, pag-uunawaan at pag-aaral sa isa’t isa ng mga mamamayan ng Tsina at mga bansang Latin Amerika. Sa susunod na yugto, ipagpapatuloy ng CMG ang pagsisikap para mapalawak ang tsanel ng kooperasyon at ibayo pang mapasulong ang relasyon ng dalawang panig, dagdag pa ni Shen.
 

Sa kanyang talumpati, nagpahayag ng suporta sa proyekto si Jesus Seade, Embahador ng Mexico sa Tsina at Tagapangulong bansa ng Commmunity of Latin American and Caribbean States (CELAC)  at sinabi niyang ang pagpapalitan ng mga media ay humihikayat sa pagdaloy ng  impormasyon, nagbibigay tinig sa iba’t ibang pananaw at nagsusulong ng pag-uunawaan sa pagitan ng mga rehiyon. 
 

Salin: Sissi

 

Pulido: Mac

Please select the login method