Relasyon sa Iceland, handang palakasin ng Tsina

2021-12-09 15:03:41  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Miyerkules, Disyembre 8, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Gudni Johannesson ng Iceland ang mensaheng pambati sa isa’t-isa bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Xi na nitong 50 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Iceland, natamo ng pragmatikong kooperasyon ang positibong bungang nakakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig.

Ani Xi, nakahanda siyang magsikap kasama ni Johannesson upang mapasulong pa ang relasyon ng Tsina at Iceland at maihatid ang mas maraming makabuluhang benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Johannesson na malalim ang pagkakaibigan ng Iceland at Tsina, at umaasa aniya siyang mapapanatili ng kapuwa panig ang diyalogo at pagsasanggunian upang magkasamang makalikha ng masagana, maligaya, at maligtas na kinabukasan ng kapuwa bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method