Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO

2021-12-11 15:28:32  CMG
Share with:

Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO_fororder_20111211WHOChina600

Sa Ika-4 na Pulong na Ministeriyal ng World Trade Organization (WTO) na idinaos sa Doha, Qatar noong Nobyembre 10, 2001, pinagtibay ang dokumentong pambatas tungkol sa pagsapi ng Tsina sa organisasyong ito.

Ito ang palatandaang matapos ang 15 taon ng napakalaking pagsisikap, naging bagong miyembro ng WTO ang Tsina, at pumasok sa isang bagong yugto ang usapin ng pagbubukas ng Tsina sa labas.

Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO na naging ika-143 miyembro nito.

Ang pagsapi sa WTO ay lubos na nagpakita ng positibong atityud ng Tsina sa pagtugma sa tunguhin ng globalisasyong pangkabuhayan at aktibong pakikilahok sa pandaigdigang kompetisyon at kooperasyon. May makasaysayang kahulugan ang pagsapi ng Tsina sa WTO hindi lamang sa proseso ng pagbubukas sa labas, kundi maging sa proseso ng globalisasyon ng kabuhayang pandaigdig.

Sa aspekto ng pagpapaginhawa ng kalakalan, palagiang iginigiit ng Tsina ang bukas na atityud para tanggapin ang paglahok ng mas maraming de-kalidad na produkto at serbisyong pandaigdig sa merkadong Tsino.

Ang Tsina ay unang bansang nagtataguyod ng import-themed expo sa antas na estado. Sa kabila ng grabeng kalagayan ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) noong isang taon, hindi sinuspendi ang CIIE, bagay na nagpapakita ng matapat na mithiin ng Tsina sa pagbabahagi ng pagkakataon ng pamilihan sa daigdig at pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO_fororder_20211211PilipinasCIIE

Degelasyong Pilipino sa Ika-4 na CIIE sa Shanghai

Sa kapipinid na Ika-4 na China International Import Expo (CIIE) na ginanap sa Shanghai nitong Nobyembre 5-10, 2021, umabot sa US$ 597.34 milyon ang onsite export sales ng Pilipinas.

Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO_fororder_20211211PilipinasCIIE2

Tumaas ng 29.3% ang onsite export sales ng bansa kumpara noong nakaraang expo na nagkahalaga ng US$ 462 milyon.

Ayon sa datos na ibinahagi ng Philippine Trade and Investment Center-Shanghai (PTIC-Shanghai), ang mga export signings at commitments ay nasa US$ 575.03 milyon.

Ang 2021 ay ika-4 na paglahok ng Pilipinas sa taunang CIIE. Nitong apat na taong nakalipas, walang patid na tumataas ang halagang natamo ng delegasyong Pilipino. Para sa CIIE 2020, ang total value of business leads ay umabot sa US$ 462.36 milyon samantalang US$389.70 milyon ang naabot sa ikalawang CIIE, at US$ 124 milyon para sa unang CIIE.

May kaugnayang babasahin:

https://filipino.cri.cn/20211124/d1a9d2e0-55d6-1b75-771f-7d072f54bb47.html

Sa aspekto ng market access, patuloy na binabawasan ng Tsina ang negatibong listahan ng pagpasok ng mga dayuhang pamumuhunan, at komprehensibong isinasagawa ang pantay na pakikitungo.

Sa kasalukuyan, nabuksan na ng Tsina ang mahigit 120 departamento na hindi lamang lubos na nalalampasan ang nagawa nitong pangako ng pagbubukas ng 100 departamento, kundi nalalampasan din ang 108 departamento na karaniwang ipinangako ng mga maunlad na bansa.

Samantala, unti-unting lumalaki ang halaga ng naaakit na pondong dayuhan ng Tsina. Sa kabila ng grabeng pandemiya ng COVID-19 noong isang taon, aktuwal na nagamit ng Tsina ang mahigit 999.9 bilyong yuan RMB na pondong dayuhan. Ito ay mas malaki ng 6.2% at naging pinakamalaking bansang pinapasok ng mga pondong dayuhan ang Tsina.

Sa aspekto ng kapaligirang pangnegosyo, ihinahambing ng Tsina ang sulong na lebel sa daigdig. Hanggang sa ngayon, inakto na ng Tsina ang mahigit 130 kaukulang hakbangin ng reporma, bagay na ibayo pang nakakapagpalakas sa pandaigdigang kakayahang kompetitibo ng kapaligirang pangnegosyo ng Tsina.

Bukod pa riyan, kasunod ng pagsasagawa ng “Regulasyon ng Pagpapabuti ng Kapaligirang Pangnegosyo” noong unang araw ng Enero ng nagdaang taon, kahit anong rehistradong bahay-kalakal sa Tsina, sy pantay na pinakikitunguhin at pinuproteksyunan ng kompletong sistemang pambatas.

Sa aspekto ng konstruksyon ng sistema, sa pangmalayuang panahon, puspusang isinusulong ng Tsina ang inobasyon ng modelo ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan, at pinabubuti ang estruktura ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig.

Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO_fororder_20211211Pantaleon

Estrella-Pantaleon Bridge na bukas noong Hulyo 29, 2021

Ang “Belt and Road” Initiative (BRI) na itinaguyod ng Tsina ay nakakapagbigay ng mahalagang ambag para sa pagpapalalim ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, partikular na sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan ng mga umuunlad na bansa.

Hanggang noong Nobyembre 20, 2021, nilagdaan na ng Tsina at 141 bansa at 32 organisasyong pandaigdig ang 206 dokumentong pangkooperasyon ng magkakasamang konstruksyon ng BRI.

Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO_fororder_20211211drug

Dangerous Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Sarangani

Nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng pag-uugnayan ng BRI at Build, Build, Build program, natamo ng kooperasyong Sino-Pilipino ang napakalaking bunga.

Ayon kay Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang mga proyekto sa pagitan ng kapwa bansa ay pumasok na sa “bagong yugto ng pag-aani.”

Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO_fororder_20211211Intramuros

Binondo-Intramuros Bridge Project

Sa administrasyon ni Pangulong Duterte, inilunsad at natapos na ang 13 proyektong nagkakahalaga ng 120 milyong US dollar.

May kaugnayang babasahin:

https://filipino.cri.cn/20210828/af3333bf-2605-c928-8b2c-335c50e8ae39.html

https://filipino.cri.cn/20211015/26facb0f-df0b-6716-965e-d2c88c251836.html

Sa aspekto ng ibinibigay na ambag sa buong mundo, nitong 20 taong nakalipas, umabot sa halos 30% ang average contribution rate ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Lalong lalo na noong isang taon, ang Tsina ay nagsilbi tanging bansang nagsakatuparan ng paglaki ng kabuhayan sa mga pangunahing ekonomiya sa daigdig, bagay na nagsilbing pinakamahalagang puwersang tagapagpasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO_fororder_20211211bakuna660

Kaugnay naman ng pakikilahok sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19, ayon sa China International Development Cooperation Agency, hanggang noong Nobyembre 17, 2021, ipinagkaloob na ng Tsina ang mahigit 1.7 bilyong bakuna laban sa COVID-19 sa 110 bansa at organisasyong pandaigdig na nangunguna sa buong daigdig. Inaaasahang lalampas ang bilang na ito sa 2 bilyon sa loob ng kasalukuyang taon.

Bukod pa riyan, isinasagawa ng Tsina at 19 na umuunlad na bansa ang kooperasyon sa magkasanib na pagpoprodyus ng bakuna, at itinaguyod din nito kasama ng mahigit 30 bansa ang “Initiative for Belt and Road Partnership on COVID-19 Vaccines Cooperation.”

Sapul noong isang taon, magkakasunod na ipinagkaloob ng Tsina ang mahigit 4 na bilyong damit na pamprotekta, 6 na bilyong test kit, at 350 bilyong maskara sa komunidad ng daigdig.

Sa kasalukuyan, aktibong itinatayo ng Tsina ang bagong kayariang pangkaunlaran. Patuloy na makakapagbigay ang Tsina ng mas malaking ambag para sa pagtatayo ng bukas na kabuhayang pandaigdig, ipagkakaloob ang mas maraming “puwersang Tsino” sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ibabahagi ang mas maraming “pagkakataong Tsino” sa iba’t-ibang bansa sa daigdig, at mabibigyan ng mas maraming “China bonus” ang mga mamamayan ng buong daigdig.


Ulat: Lito
Pulido: Mac
Photo: VCG

Please select the login method