Xi, nakikiramay kay Biden kaugnay ng kalamidad ng buhawi

2021-12-15 10:41:42  CMG
Share with:

Xi, nakikiramay kay Biden kaugnay ng kalamidad ng buhawi_fororder_347826dc961042c3ba2add2fc27f091c

 

Kaugnay ng pananalanta ng buhawi sa gitnang bahagi ng Amerika, nagpadala nitong Martes, Disyembre 14, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe ng pakikiramay sa kanyang counterpart na Amerikano na si Joe Biden.

 

Ani Xi, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamayang Tsino, ipinaaabot niya ang malalim na simpatiya at taos-pusong pakikiramay sa mga mga mamamayang Amerikano dahil sa malubhang kasuwalti at pagkawala ng ari-ariang dulot ng mga tornado na nanalasa sa anim na estado ng Amerika na kinabibilangan ng Kentucky, Illinois, Arkansas, Mississippi, Tennessee at Missouri.

 

Ayon sa lokal na opisyal, di kukulangin sa 74 katao sa Kentucky ang kumpirmadong nasawi bunsod ng kalamidad. Maaaring danasin sa mga apektadong lugar, sa loob ng ilang linggo o mas matagal pa, ang napakalamig na temperatura at walang pampainit, tubig o kuryente ang mga residente doon.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method