Ipinahayag Disyembre 15, 2021, ni Fu Linghui, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na hindi nagbabago ang pangkalahatang tunguhin ng pangmatagalang pagbuti ng kabuhayan ng Tsina.
Aniya, ayon sa pagtaya, mananatiling matatag ang takbo ng kabuhayang Tsino sa susunod na taon.
Ibinahagi din ni Fu ang 5 aspektong sumusuporta sa kabuhayan ng bansa: una, magiging mas malakas ang pangangailangang panloob ng bansa; ikalawa, nananatiling mabuti ang tunguhin ng inobasyon; ikatlo, matatag ang pagpapasulong ng panrehiyong pag-unlad ng lunsod at kanayunan; ikaapat, pinakikinabangan pa rin ang benepisyo ng reporma at pagbubukas sa labas; ikalima, mabilis ang pagtatatag ng bagong estruktura ng pag-unlad.
Salin:Sarah
Pulido:Mac