Ayon sa ulat na magkasamang inilabas kamakailan ng Food and Agriculture Organization ng United Nations at United Nations International Children's Emergency Fund, dahil sa epekto ng pandemya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), naging malala ang kalagayan ng kaligtasan ng suplay ng pagkain at kalagayan ng nutrisyon sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Anang ulat, mahigit 375 milyong tao sa rehiyong Asya-Pasipiko ay nakaranas ng gutom noong 2020, mas mataas ng halos 54 milyon kumpara sa taong 2019.
Bukod dito, kinaharap ng mahigit 1 bilyong populasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko ang kakulangan sa pagkain noong 2020, na tumaas ng halos 150 milyon kumpara noong 2019.
Tinukoy ng ulat na sa proseso ng pagtatatag ng mas mabuting kalagayan ng pagkain, dapat ipagkaloob ng sistema ng agrikultura at pagkain ang mas mainam na pagpoprodyus, nutrisyon, kapaligiran at pamumuhay.
Salin:Sarah
Pulido:Mac