CMG Komentaryo: Relasyong Sino-Ruso, nagpapakita ng kasiglahan sa kabila ng iba’t ibang pagsubok

2021-12-17 12:04:39  CMG
Share with:

Nitong Miyerkules, Disyembre 15, 2021, nagtagpo sa pamamagitan ng video link ang mga pangulong Xi Jinping ng Tsina at Vladimir Putin ng Rusya. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga paksang gaya ng bilateral na relasyon, pragmatikong kooperasyon, pandaigdigang estratehikong kooperasyon at iba pa.
 

Sigurado na rin ang pagkikita nila sa Beijing Olympic Winter Games, bagay na hindi lamang nagpapakita ng malalim na pagkakaibigan ng dalawang lider, kundi pagpapatunay rin sa pagtitiwalaang pulitikal sa mataas na antas ng dalawang bansa.

CMG Komentaryo: Relasyong Sino-Ruso, nagpapakita ng kasiglahan sa kabila ng iba’t ibang pagsubok_fororder_20211217TsinaRusya

Ito ang ika-2 virtual meeting ng mga lider ng Tsina at Rusya sa kasalukuyang taon, at ika-37 pagtatagpo nila sapul noong 2013. Sa ilalim ng pamumuno ng diplomasya ng mga lider, nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang relasyong Sino-Ruso, at walang humpay na natatamo ng pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan ang mga bunga.
 

Sa kasalukuyan, nakikialam ang ilang puwersa sa daigdig sa mga suliraning panloob ng Tsina at Rusya, sa katwiran ng umano’y “demokrasya” at “karapatang pantao.” Dapat isagawa ng Tsina at Rusya ang mas maraming magkasanib na aksyon, para mas mabisang mapangalagaan ang seguridad at kapakanan ng magkabilang panig, at ipadala ang mas malakas na tinig sa isyu ng global governance.
 

Sa pag-aanalisa ng Reuters, ang katatapos na pagtatagpo ng mga lider na Tsino at Ruso ay lubos na nagpapakita kung papano sinusuportahan ng kapuwa panig ang isa’t isa, at nagkapit-bisig ang dalawang malaking bansa, para tutulan ang pakikialam ng mga bansang kanluranin.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method