Nanawagan nitong Disyembre 20, 2021, si Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na dapat magkaisa ang buong daigdig para gawin ang kinakailangang mahihirap na kapasiyahan para matapos ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng susunod na taon.
Sa Geneva, sinabi niya sa media na ang taong 2022 ay dapat maging taon ng pagtatapos ng pandemiya.
Bukod dito, sinabi din ni Tedros na sa kabila ng indikasyong ang Omicron variant ay hindi mas malala kaysa Delta Variant, na dominanteng strain, ang Omicron ayon sa data ay nagpakita ng mas mabilis na kakayahang manghawa at nakapag-aalalang di-tinatablan ng bakuna.
Salin:Sarah
Pulido:Mac