Noong Hulyo 20, 2021, sa ika-138 sesyon ng International Olympic Committee (IOC) na idinaos sa Tokyo, Hapon, sumang-ayon ang lahat ng kalahok na idagdag ang salitang “Together” sa Motto ng Olimpiyada at ito ay naging “Faster, Higher, Stronger – Together”.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Thomas Bach, Tagapangulo ng IOC na sa kasalukuyan, kailangan na kailangang magkaisa ang buong sangkatuhan, hindi lamang para harapin ang pandemiya ng COVID-19 kundi pati na rin ang mas malaking hamon.
Sa patnubay ng nasabing hangarin, naging mas mahalaga ang 2022 Beijing Winter Olympic Games, sana ay puwedeng magkaisa ang lahat para harapin ang iba’t ibang hamon at mapawi ang lahat ng problema.
Sa tingin mo, puwede bang mas magkaisa ang buong sangkatauhan sa tulong ng Olimpiyada?
Salin: Sissi
Pulido: Rhio