Alam mo bang ayon sa itinakdang pamantayan ng World Bank, ang mga taong may $USD1.9 na arawang kita ay nasasadlak sa matinding karalitaan?
Ayon sa pamantayang ito, mahigit 700 milyong populasyon sa buong daigdig ang nakakaranas ng matinding karalitaan sa kasalukuyan.
Paaano sila makakahulagpos mula sa karalitaan? Gaano katagal para sa bawat mamamayan ng buong mundo upang magkaroon ng sapat na pagkain at damit, at mamuhay nang marangal?
Naranasan mo na ba kung paano maging mahirap?
Ano ang pinakamahirap na kalagayang nakita mo na?
Ano ang pinaplano mong gawain para mabago ang kalagayan ng karalitaan?
Kung ikaw ay isang mayaman, tutulungan mo ba ang mahihirap?
Pakibahagi lang po sa amin ang inyong mga opinyon at saloobin.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio