Umabot sa mahigit 261.8 bilyong yuan RMB ang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Xinjiang sa Unyong Europeo (EU) nitong unang 11 buwan ng 2021, at ito ay lumaki ng 30% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Dahil sa epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), bumaba ang kalakalan sa buong mundo, pero mabilis na lumaki ang kalakalan ng Xinjiang sa EU.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Sun Tao, Opisyal ng Urumqi Customs District ng Tsina, na ang paglaki ng kalakalan ng Xinjiang sa EU ay may kinalaman sa tatlong larangan: una, ginhawang dulot ng CHINA RAILWAY Express; ikalawa, ang mga mekanikal at elektrikal na produkto ay naging pangunahing dahilan ng paglaki ng pagluluwas at pag-aangkat; at ikatlo, pagsisimula ng pagluluwas ng mga pasilidad at produktong may kinalaman sa malinis na enerhiya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio