Tsina, laging nagsisikap para sa kapayapaan, kaunlaran, at kaayusan ng daigdig

2021-12-29 17:55:52  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Disyembre 28, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang positibong pagtasa ng panig Tsino sa pahayag ni Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya tungkol sa relasyon ng Tsina at ilang bansang kanluranin.

 

Nauna rito, sinabi ni Lavrov, na ayaw ng ilang bansang kanluranin na magkaroon ng anumang maihahambing na karibal na may katulad na impluwensiya sa pandaigdigang arena, at ipinaliwanag ng saloobing ito ang histerya ng ilang bansang kanluranin sa pag-unlad ng Tsina. Sinabi rin niyang, tinanggap ng Tsina ang mga tuntuning iniharap ng mga bansang kanluranin, at batay sa mga tuntuning ito, nahigtan ng Tsina ang ilang bansang kanluranin sa ilang larangan.

 

Kaugnay nito, sinabi rin ni Zhao, na sa mula't mula pa'y isinasagawa ng Tsina ang nagsasariling patakarang diplomatikong pangkapayapaan, at laging nagsisikap ang bansa para sa kapayapaan, kaunlaran, at kaayusan ng daigdig.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina, na patuloy na suportahan at isagawa ang multilateralismo, at pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng iba't ibang bansa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method