Malugod na tinatanggap ang paglahok ng Singapore sa proseso ng pagtatatag ng new development paradigm ng Tsina

2021-12-30 15:52:16  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap kay Heng Swee Keat, Pangalawang Punong Ministro ng Singpore via video link, ipinahayag kahapon ni Han Zheng, Pangalawang Premiyer na Tsino na malugod nitong tinatanggap ang Singapore na lumahok sa proseso ng pagtatatag ng new development paradigm ng Tsina.
 

Sinabi ni Han na nakahanda ang Tsina kasama ng Singapore na isagawa ang de-kalidad na kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, pangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan, aktibong galugarin ang digital economy at berdeng pag-unlad.
 

Ipinahayag naman ni Heng Swee Keat na ang bagong yugtong pangkaunlaran ng Tsina ay magdudulot ng malaking pagkakataong pangkooperasyon sa pagitan ng Singapore at Tsina. Nakahanda rin ang kanyang bansa na pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, palalimin ang kooperasyon sa iba’t ibang aspekto, pasulungin ang malayang kalakalan at magkasamang likhain ang mas magandang kinabukasan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method