Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Disyembre 30, 2021, 195 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 29 ay galing sa labas ng bansa at 166 ay domestikong kaso.
Bukod dito, 1 ang pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 at ito ay galing sa labas ng bansa.
Ayon pa sa datos, 2,714 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Mac