MFA: Amerika, malaki ang pakinabang sa digmaan at sangsyon

2022-04-07 16:15:59  CMG
Share with:

 

Ayon sa ulat na inilabas Miyerkules, Abril 6, 2022 ng Renmin University ng Tsina, hindi kayang lutasin ng mga sangsyon ng Amerika sa Rusya ang mga isyu, bagkus ay magdudulot ng negatibong epekto sa buong daigdig na gaya ng pagtaas ng implasyon, paghina ng pag-ahon ng kabuhayan at kapinsalaan sa supply chain.

 

Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas na batay sa estadistika ng naturang ulat, isinagawa ng mga bansang pinamumunuan ng Amerika ang 8,068 sangsyon laban sa Rusya, mula noong 2014 hanggang unang araw ng Abril 2022.

 

Tinukoy ni Zhao na ang digmaan at naturang mga sangsyon ay nagsasanhi ng patuloy na pagdami ng repyugi, nag-aalis ng mga pondo at kakulangan sa pagkain-butil.

 

Sinabi pa niyang malaki ang pakinabang ng Amerika sa nasabing digmaan at sangsyon.

 

Diin ni Zhao, kung taos-pusong susuporta ang Amerika sa pagpapahupa ng tensyon ng kalagayan ng Ukraine, dapat itigil muna nito ang mga sangsyon at pasulungin ang talastasang pangkapayapaan.


Salin: Ernest


Pulido: Rhio