Pagbebenta ng sandata ng Amerika sa Taiwan, dapat kanselahin — Tsina

2022-04-07 17:23:47  CMG
Share with:

Ipinahayag Abril 5, 2022 ng US Defense Security Cooperation Agency, na aprubado na ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang pagbebenta ng teknolohiyang militar at mga kagamitang kinabibilangan ng Patriot Air Defense System at iba pa, sa umano’y “ Taipei Economic and Cultural Representative Office in the United States. ”

 

May kabuuang halagang nasa $US950 milyong dolyar ang naturang paglilipat ng teknolohiya at kagamitan.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Abril 6, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyon ng Amerika ay malubhang lumalabag sa prinsipyong Isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, partikular, ang August 17 Communique.

 

Aniya, ito ay grabeng nakakapinsala sa soberanya ng Tsina, kaligtasan at kaunlaran, at kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits.

 

Mahigpit na kinokondena at buong tatag na tinututulan ng Tsina ang aksyong ito, ani Zhao.

 

Aniya pa, dapat agarang kanselahin ng Amerika ang naturang plano, itigil ang pagbebenta ng sandata sa Taiwan, at itigil ang ugnayang militar ng Amerika at Taiwan.

 

Isasagawa ng Tsina ang malakas na hakbangin para mapangalagaan ang soberanya at kapakanang panseguridad ng bansa, diin ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio