IOC, pinapurihan at pinasalamatan ang CMG sa bunga ng pagsasahimpapawid ng Beijing Winter Olympics at Paralympics

2022-04-08 16:49:52  CMG
Share with:

Sa liham na ipinadala kamakailan sa China Media Group (CMG), pinapurihan at pinasalamatan ng International Olympic Committee (IOC) ang matagumpay na pagsasahimpapawid ng CMG ng Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games at positibong pagpapalaganap ng CMG ng diwa ng olimpiyada.

 

Kahit ipininid na ang Beijing Winter Olympics at Paralympics, ang pagsasahimpapawid ng kahanga-hangang seremoniya at events nito ay patuloy na pinupuri ng buong daigdig. Sa paggamit ng bunga ng inobasyon ng siyensiya at teknolohiya, lumampas ng 62.8 bilyon ang views sa multiple platforms ng CMG, na lumikha ng natatanging bagong rekord ng pagsasahimpapawid.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac