Idinaos umaga ng Abril 8, 2022, sa Great Hall of the People dito sa Beijing, ang pagtitipon bilang parangal sa mga mamamayan at units na nagbigay ng mahalagang ambag para sa Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games.
Bumigkas ng talumpati sa pulong si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina.
Ipinahayag ni Xi na pagkaraan ng 7 taong pagsisikap ng buong Tsina, matagumpay na idinaos ang simple, ligtas at kahanga-hangang olimpiyada at isinakatuparan ang pangako sa komunidad ng daigdig. Ang Beijing aniya ay naging kauna-unahang lunsod sa daigdig na nagdaos ng kapuwang Summer at Winter Olympics.
Ani Xi, sa hinaharap, walang humpay na gaganap ang Tsina ng diwa ng olimpiyada, at patuloy na magsisikap para isakatuparan ang Ikalawang Daang-taong Mithiin at pagbangon ng nasyong Tsino.
Pinarangalan sa pagtitipon ang 148 units at 148 idibiduwal na nagbigay ng kahanga-hangang ambag para sa Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games.
Salin:Sarah
Pulido:Mac