Naglalakbay-suri ngayong hapon Abril 11, 2022 si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa sa lunsod Sanya, lalawigang Hainan sa dakong timog ng Tsina.
Sa kanyang pagbisita sa Yazhou Bay Seed Laboratory, binigyan-diin ni Xi na ang binhi ay susi ng kaligtasan ng pagkain ng Tsina.
Aniya pa, ang pagsasarili at pagpapalakas ng teknolohiya sa binhi ay malalaking pangyayaring may estratehikong katuturan.
Maliban dito, binisita rin ni Xi ang Instituto ng Pananaliksik sa Dagat ng Ocean University of China.
Mayroong natatanging bentahe ang lalawigang Hainan sa mga teknolohiya hinggil sa dagat, at lubos na pinahahalaghan ni Xi ang pagtatayo ng bansang maunlad sa usaping ito.
Sa nasabing institusyon, nalaman ni Xi ang kalagayan ng inobasyon ng teknolohiyang pandagat.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio