Tsina at Pakistan, patuloy na magkasamang itatatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran

2022-04-13 16:51:05  CMG
Share with:

Ipinarating ng pamahalaang Tsino ang pagbati kay Muhammad Shahbaz Sharif sa kanyang panunungkulan bilang Punong Ministro ng Pakistan.

 

Ipinahayag ito nitong Abril 12, 2022, sa preskon, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Aniya, inaasahan ng Tsina na patuloy na magsisikap, kasama ng Pakistan, para palalimin ang komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa, magkasamang itatag ang ChinaPakistan Economic Corridor, at itatag ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Pakistan sa bagong panahon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac