Sa online na ikalawang pulong ng mga koordinador ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) na idinaos mula Abril 12, hanggang Abril 13, 2022, binigyang-diin ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at host ng pulong, na bilang tagapangulong bansa ng BRICS sa taong ito, magsisikap ang Tsina, kasama ng mga bansang BRICS, para palakasin ang koordinasyon, palalimin ang aktuwal na kooperasyon, at igarantiya ang tagumpay ng nakatakdang pagtatagpo ng mga lider ng BRICS.
Isinalaysay rin ni Ma ang progreso ng kooperasyon sa kaligtasan ng pulitika, kabuhayan at kalakalan, pampublikong kalusugan, sustenableng pag-unlad, pagpapalitang kultural, pagtatatag ng mekanismo at iba pang mahalagang larangan.
Ibinahagi rin niya ang ideya ng paghahanda para sa pagtatagpo ng mga lider ng BRICS sa taong 2022.
Lumahok sa pulong ang mga kinatawan, may-kinalamang tauhan at may-kaugnayang departamento ng mga bansang BRICS.
Lubos na kinumpirma ng mga kinatawan ang bungang natamo ng organisasyon sa iba’t-ibang larangan.
Binigyan-diin nila na dapat lalo pang ang kooperasyon, para magbigay ng mas malaking ambag sa pagpapabuti ng pagsasa-ayos ng buong mundo, pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayan, pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN), at paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Salin:Sarah
Pulido:Rhio