Ipinahayag nitong Huwebes, Abril 14, 2022 ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang halaga ng Foreign Direct Investment (FDI) sa Tsina noong unang kuwarter ng taong 2022 ay umabot sa 379.87 billion Yuan RMB na lumaki ng 25.6% kumpara sa gayong ding panahon ng taong 2021.
Sa mga industriyang naghihikayat sa pondong dayuhan, ang bahagdan ng paglaki ng FDI sa high-tech industry ay umabot sa 52.9% na mas mabilis kumpara sa bahagdan ng paglaki ng ibang mga industriya.
Kaugnay ng epekto ng epidemiya ng COVID-19 sa mga bahay-kalakal, sinabi ni Shu na ginagamit ng Ministri ng Komersyo at ibang mga may kinalamang departamento ang mga hakbangin para tulungan ang mga bahay-kalakal na kinabibilangan ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong dayuhan, sa paglutas ng mga isyu na gaya ng pagpasok ng mga tauhan sa Tsina, pagpapanumbalik sa normal na operasyon at transportasyon sa mga paninda.
Salin: Ernest
Pulido: Mac