GDP ng Tsina, lumaki ng 4.8% sa Q1 ng 2022

2022-04-18 11:37:35  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa balita na ipinatalastas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika, sa kabila ng epekto ng muling pagkakaroon ng mga kaso ng COVID-19 sa loob ng bansa at walang katiyakang kalagayan ng kapaligirang pandaigdig, sa unang kuwarter ng 2022, lumaki ng 4.8% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.

 

Ang estadistikang ito ay mas mataas kaysa naging pagtaya ng mga ekonomista ng Reuters at Bloomberg na nasa 4.4% at 4.3% lamang.

 

Ang pagbangon ng kabuhayang Tsino nitong Enero at Pebrero ng taong ito ay malakas na suporta sa resultang ito.

 

Lumaki ng 6.7% ang retail sales, at lumaki ng 12.2% ang fixed-asset investment sa panahong ito.

 

Bumagal naman ang quarterly growth mula 1.6% nitong Q4 ng 2021 sa 1.3%.

 

Samantala, umabot sa 10,345 yuan (US$1,623) ang per capita disposable income ng Tsina, na lumaki ng 6.3% year on year.

 

Salin:Sarah

Salin:Mac