Kalungkutan at taos-pusong pakikiramay, ipinahayag ng Tsina kaugnay ng pagyao ni Embahador Jose Santiago Sta. Romana

2022-04-19 15:35:29  CMG
Share with:

Si Embahador Jose Santiago “Chito” Sta. Romana ng Pilipinas sa Tsina (file photo)



Ipinapa-abot ng Tsina ang matinding kalungkutan at taos-pusong pakikiramay kaugnay ng pagyao kamakailan  ni Jose Santiago “Chito” Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa bansa.

 

Ito ang ipinahayag ngayong araw, Abril 19, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Ani Wang, si Embahador Sta. Romana ay kilala bilang dalubhasang may malalim na kaalaman hinggil sa Tsina, maraming taong nagtrabaho at namuhay sa bansa, at matagal at matalik na kaibigan ng mga Tsino.

 

Makaraang manungkulan bilang sugong Pilipino sa Tsina noong 2017, aktibo at masipag na nagtrabaho si Embahador Sta. Romana at nagbigay ng napakahalagang ambag sa pagpapasulong ng bilateral na ugnayan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino, dagdag niya.

 

Saad ni Wang, ikinalulungkot ng Tsina ang pagkawala ng isang napakabuting kaibigan at ipinapa-abot ng bansa ang pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng yumaong embahador.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na tulungan ang pamilya ni Embahador Sta. Romana at Pasuguang Pilipino sa Tsina para maayos na hawakan ang mga sumusunod na isyu at magkaloob ng lahat ng kinakailangan.

 

Dahil sa sakit, pumanaw kahapon si Embahador Sta. Romana habang nasa Tsina.

 

Salin/Patnugot: Jade

Pulido: Rhio