Kita ng mga Tsino sa kalunsuran sa unang kuwarter ng 2022, matatag na lumaki

2022-04-19 10:34:30  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, Lunes, Abril 18, 2022, nananatiling matatag ang paglaki ang kita ng mga Tsino sa kalunsuran sa unang kuwarter ng taong ito.

 

Anito, umabot sa 10,345 yuan Renminbi (RMB) o halos Php 85,000 ang per capita disposable income ng mga residente sa mga kalunsuran ng buong bansa.

 

Ito ay mas malaki ng 6.3% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon, paliwanag pa ng kawanihan.

 

Ang per capita disposable income ay ang kakayahan upang makabili ng mga produkto at serbisyo.

 

Kung ito ay mas mataas, mas mataas din ang kakayahan ng mga mamamayan na gumasta para sa ikabubuhay.


Salin: Lito

Pulido: Rhio