Pagpupunla sa Guyu o Grain Rain, inaasahan ang pagdating ng mabuting anihan

2022-04-20 15:10:44  CRI
Share with:

Batay sa Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, ang isang taon ay nahahati sa 24 na solar term at ang Guyu o Grain Rain ay ang ika-6 sa mga ito.

 

Ang Guyu ay nangangahulugang pag-ulan para sa mga pagkaing-butil. Ito ang isa sa mga solar term na may pinakadirektang kaugnayan sa gawaing agrikultural.

 

Sa panahon ng Guyu, mahinahon ang lagay ng panahon, at dumarami ang ulan na nagiging pinakamabuting panahon sa pagpupunla.

 

Sa bisperas at pagkatapos ng Guyu, nagpunla ang mga magsasaka sa maraming lugar ng Tsina para asahan ang pagdating ng mabuting anihan.


Salin: Lito

Pulido: Mac