Senior diplomat ng Tsina, nakipagtagpo sa mga embahador ng Kambodya at Laos

2022-04-21 16:56:01  CMG
Share with:

Abril 20, 2022, Beijing - Sa magkahiwalay na okasyon, nakipagtagpo si Yang Jiechi, Nakatataas na Diplomata ng Tsina kina Khek Caimealy Sysoda, Embahador ng Kambodya sa Tsina, at Khamphao Ernthavanh, Embahador ng Laos sa Tsina.

 

Ipinahayag ni Yang na ang relasyon ng Tsina at Kambodya at relasyon ng Tsina at Laos ay pumasok na sa panahon ng pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran.

 

File Photo: Senior Chinese diplomat Yang Jiechi


Dapat aniyang palakasin ang estratehikong koordinasyon, patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa’t isa, pataasin ang lebel ng dekalidad na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, pasulungin ang komunikasyon sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kabuhayan, kultura at iba pang larangan.


Aniya, nakahanda ang Tsina na isagawa ang multilateral na pakikipagkoordinasyon sa Kambodya at Laos, para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at katarungan at katuwiran ng komunidad ng daigdig.

 

Samantala, ipinahayag ng mga embahador ng Kambodya at Laos na lubos na pinahahalagahan ng kanilang mga bansa ang relasyon sa Tsina, at buong tatag na sinusuportahan ang makatarungang paninindigan ng Tsina hinggil sa nukleong kapakanan at mga mahalagang isyung pandaigdig.

 

Anang mga embahador, inaasahan nilang mapapalalim pa ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kanilang mga bansa sa Tsina sa iba’t ibang larangan, at mapapasulong ang magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road,” para pataasin ang relasyong Sino-Kambodyano at Sino-Lao sa bagong lebel.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio