Sissi's vlog: Paano malaman ang pagkakaiba ng mga bulaklak ng tagsibol sa Beijing

2022-04-21 12:09:43  CRI
Share with:

Noong isang linggo, meron isang follower ng aming facebook na nagtanong kung ano ang pagkakaiba ng cherry blossom at apple blossom. Ngayong araw, samahan ninyo ako para alamin ang ilang bagay tungkol sa mga bulaklak ng tagsibol sa Beijing.

 

Tuwing tagsibol, may anim na uri ng bulaklak na sumisibol sa mga kalye dito sa Beijing. Ang mga ito ay peach blossom, plum blossom, cherry blossom, apricot blossom, pear blossom at Chinese plum blossom. Anu ano ang pagkakaiba ng mga ito? May apat na clues.

 

Unang una, pinakamadaling matukoy ang cherry blossom, dahil sa kanilang natatanging petal, kita po ba ninyo? Ang petal ng cherry blossoms ay korteng ganito

 

Tapos, puwedeng tingnan natin ang dahon, ang apricot, cherry blossom, Chinese plum blossom at plum blossom ay namumulaklak muna at pagkaraang matuyo ang mga bulaklak, tumutubo ang mga dahon. At ang petals ng peach blossom ay parang isang American football. Samantala, bilugan ang petals, puti ang bulaklak, purple ang stamen ng pear blossom.

 

Ikatlo, kung gustong alamin ang pagkakaiba ang Chinese plum blossom, apricot blossom at plum blossom, puwedeng tingnan natin ang pedicel ng mga ito, pinakamahaba ang pedicel ng Chinese plum blossom.

 

Kung apricot at plum blossom, puwedeng mahanap ang pagkakaiba sa kanilang calyx, kung mahigpit na nakadikit ang calyx sa buong bulaklak, ito po ay plum blossom. Samantala nakatiklop naman ang calyx ng apricot kapag namulaklak ang bulaklak.

 

Iyan ang pinakamadaling paraan para malaman ang pagkakaiba  ng mga karaniwang bulaklak sa Beijing.  Paki-share ang vlog na ito sa inyong mga kaibigan at magkasamang kilalanin kung ano ang mga bulaklak ng spring.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac