Direktang pamumuhunan sa labas ng Tsina nitong Q1, lumampas ng 200 bilyon yuan RMB

2022-04-22 16:39:39  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Abril 21, 2022, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na umabot sa 217.76 bilyong yuan RMB ang direktang pamumuhunan sa labas ng Tsina nitong Q1, 2022, na lumaki ng 5.6% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.

 

Ayon pa rin kay Gao, 170.95 bilyong yuan RMB ang di-pinansyal na direktang pamumuhunan ng Tsina sa labas nitong Q1 ng taong ito na lumaki ng 6.3% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

 

At sa mga ito, umabot sa US$5.26 bilyon ang di-pinansyal na direktang pamumuhunan ng Tsina sa mga bansa sa kabahaan ng “Belt and Road” na lumaki ng 19% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.

 


Salin:Sarah

Pulido:Mac