Mas mabuting sarili, makilala sa pagbabasa

2022-04-23 17:20:58  CMG
Share with:


Ang mga aklat ay importanteng behikulo sa pagpapalalim ng kaalaman, pagsusulong ng edukasyon, kultura, at siyensiya.

 

Higit sa lahat, ang mga impormasyong nasa pahina ng mga ito ay kayamanang magpapabago sa damdamin at pananaw sa buhay ng sinumang mambabasa.

 

Ayon nga sa kasabihan, “Ang kaalaman ay kapangyarihan” o “Knowledge is power.”

 

Kaya naman ang pagkuha ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ay hindi dapat mawaglit sa ating isipan.

 

Sa ilalim ng temang “Read, so you never feel low,ipinagdiriwang Abril 23, 2022 ang World Book Day.

 

Para rito, inihahandog ng Serbisyo Filipino – China Media Group ang isang espesyal na video na nagpapakita kung paano mapapasaya at mapapasigla ng pagbabasa ang inyong isipan at damdamin.

 

Tampok din dito ang tinaguriang “pinakamagandang aklatan sa Beijing,” at isang sikat na book author sa Tsina na nagngangalang Ge ge.

 

Halina at panoorin!